Saturday, September 21, 2024

Empleyado ng BuCoR arestado sa pamamaril

Arestado ang isang BuCor personnel noong November 20, 2021 sa Brgy. San Pedro, Panabo City matapos barilin ang kanyang kainuman.

Ayon sa report, nag-iinuman ang suspek at biktima kasama ang iba pa nilang kaibigan sa isang kainan sa Panabo City. Ilang sandali pa ay nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at biktima kung saan sinuntok ng suspek sa mukha ang biktima na kinilalang si Janelie P Del Campo.

Matapos ang inuman ay nagpasya na silang umuwi lulan ng isang maliit na bangka mula sa kainan (floating cottage). Pagkababa ng biktima kasama ang kanyang mga kaibigan ay doon na binaril ng suspek si Janelie na nagtamo ng tama sa ulo. Agad namang tumakas ang suspek sakay ng kanyang sasakyang Suzuki Ciaz na may plakang LAC 8060.

Agad namang rumesponde ang kapulisan at nagsagawa ng hot pursuit operation at hindi nagtagal ay nakabangga ang suspek ng sasakyan dahilan ng kanyang agarang pagkakahuli.

Kinilala ang suspek na si CSO2 Jose Ariel Dela Cruz, tauhan ng Bureau of Corrections na nakatalaga sa Zone 1, Dapecol, Braulio Dujali, Davao del Norte

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang (1) fired cartridge case habang isang yunit na Glock 17 9mm handgun, isang (1) magazine at 15 pirasong bala ang nakuha mula sa suspek.

Kasalukuyang nasa DRMC sa Tagum City ang biktima habang nasa kustodiya na ng Panabo City Police Station ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso.

#####

Panulat ni: Police Corporal Rc Ortenero

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles