Cabugao, Ilocos Sur – Boluntaryong isinuko ng isang magsasaka sa Cabugao, Ilocos Sur ang kanyang loose firearm para sa safekeeping sa Cabugao Municipal Police Station sa Cabugao, Ilocos Sur nitong Linggo ng hapon, ika- 23 ng Oktubre 2022.
Nakilala ang nasabing nagsuko ng baril na si Ronie Savella y Azcueta, 47, magsasaka at residente ng Brgy. Pug-os, Cabugao, Ilocos Sur.
Ang isinukong armas ay isang uri ng homemade Caliber .38 revolver o tinatawag na “Paltik”, walang bala at wala ding serial number.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng Project PALTIK (Proactive Campaign against Loose Firearms towards Transforming and Illuminating the Key Players of the Community).
Ito rin ay kaugnay sa pinaigting na pagsasakatuparan ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO), na nakatuon sa kampanya laban sa loose firearms (RA 10591), mga paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165), pag-aresto sa mga wanted persons, anti-illegal logging at anti-illegal gambling activities.
Layunin nitong mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa komunidad at maiwasan ang panganib na maaaring idulot ng kriminalidad at terorismo.
Panulat ni PSSg Vanessa A Natividad