Patuloy ang pagpapatibay ng ugnayan ng Cagayan Police Provincial Office, My Brother’s Keeper Life- Coaches (MBK-LC) at pamayanan sa pamamagitan ng Orientation at Dialogue na isinagawa sa Ballesteros National High School Gymnasium, Ballesteros, Cagayan noong ika-19 ng Oktubre taong kasalukuyan.
Pinangunahan ni Police Colonel Julio Gorospe Jr, Officer-In-Charge ng Cagayan PPO ang aktibidad na sinuportahan naman ng mga Life Coaches sa pangunguna ni Pastor Danny Punay, Regional Coordinator ng MBK-LC.
Aktibong lumahok rin ang mga hepe ng iba’t ibang Police Station sa lalawigan ng Cagayan at mga Life Coaches ng 2nd District ng probinsya.
Samantala, ang representante naman ng pamayanan ay mga Barangay Chairman mula sa lahat ng barangay ng Ballesteros at mga guro ng Ballesteros National High School.
Ang pag-uusap ng tatlong sektor ng lipunan, Kapulisan, Simbahan at Pamayanan ay alinsunod sa Revitalized PNP KASIMBAYANAN na programa ng Pambansang Pulisya na naglalayong pagtibayin ang ugnayan at pagkakaisa para sa kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng bayan.
Naging matagumpay ang aktibidad sapagkat ipinakita ng Simbahan at pamayanan ang kanilang solidong suporta sa mga programa at aktibidad ng Pambansang Pulisya at upang tulungan silang magserbisyo sa mamamayan ng maayos at may malasakit.
Source: Cagayan Police Provincial Office
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi