Sallapadan, Abra – Muling namahagi ng mga kagamitang pang eskwela at mga tsinelas ang Abra PNP sa apat na paaralan sa Sallapadan, Abra nito lamang Oktubre 19, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Maly Cula, Provincial Director ng Abra Police Provincial Office katuwang ang Sallapadan Municipal Police Station at Civil Military Operations Regiment ng AFP.
Personal na iniabot ng mga nasabing grupo ang mga gamit pang eskwela at mga tsinelas sa mga mag-aaral ng Abas, Naguillian, Maguyepyep at Gangal Elementary School.
Ang aktibidad ay kaugnay sa Balik Eskwela program ng AYERs ‘99 na kinabibilangan ng PNPA TANGLAW LAHI CL 1999, PMA MASIKHAY, CL 1999 at PMMA MAPAGBANLAD CL 1999.
Labis naman ang pasasalamat ng mga mag-aaral at mga guro sa tulong na hatid ng mga pulisya at mga donasyon na galing sa National Bookstore Foundation at Go Share Philippines.
Patunay na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba pang ahensya ay patuloy sa pagbibigay ng serbisyo lalo na sa mga kapwa nating higit na nangangailangan.
Source: Abra Police Provincial Office