Agusan del Sur – Arestado ang suspek sa motornapping sa isinagawang Hot Pursuit Operation ng Esperanza PNP sa Purok 1, Brgy. Catmonon, Esperanza, Agusan del Sur nito lamang Huwebes, Oktubre 20, 2022.
Kinilala ni Police Major Carmelo Malubay, Chief of Police ng Esperanza Municipal Police Station, ang nadakip na si Jumboy Batoy Entong, 26, technician at residente ng Sitio Lagpan, Purok-5, Brgy. Oromica, Esperanza, Agusan del Sur.
Ayon kay PMaj Malubay, bandang 2:55 ng hapon nang dumulog sa istasyon ang biktima na si Francisco Bacoy na ninakaw ang kanyang motorsiklo at nagsagawa agad ng Hot Pursuit Operation ang naturang istasyon na nagresulta ng pagkaaresto ng suspek sa tulong ng isang informant.
Narekober sa suspek ang motorsiklo ng biktima na XRM-125 na may Chassis No. KPY00115775, dalawa pang XRM-125 na may Chassis No. KPYR0004148 at KPY00195337, isang caliber 38 homemade revolver na may isang bala at isang pirasong sachet na naglalaman ng 4 gramo ng hinihinalang marijuana na may estimate value na Php500.
Ang naging mabilis na pag-aksyon ng Esperanza PNP ay isang patunay na ang pulisya ay palaging handa na gampanan ang kanilang tungkulin na mapangalagaan ang komunidad.
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13