Tinglayan, Kalinga – Dumalo ang Police Regional Office Cordillera sa isinagawang Consultation Meeting and Dialogue to Address Marijuana Concerns sa Open Gym, Tinglayan, Kalinga nito lamang Oktubre 20, 2022.
Ang aktibidad ay dinaluhan ni PROCOR Deputy Regional Director for Operation, Police Colonel Ronald Gayo at Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, Police Colonel Charles Domallig, kasama ang mga Local Government Unit ng Kalinga, Council of Elders of Tinglayan, mga kinatawan ng religious sectors at stakeholders.
Ang pagpupulong ay nagresulta sa paglalatag ng mga plano kontra marijuana cultivation and transportation sa probinsya ng Kalinga at layunin na mapigilan ang patuloy na produksyon nito.
Batay sa ulat, simula taong 2016 hanggang sa kasalukuyan ay tinatayang mahigit 8 bilyon halaga ng marijuana ang kabuuang napuksa na resulta ng 240 marijuana eradication operations ng PROCOR sa Tinglayan, Kalinga.
Ang PROCOR ay patuloy na paiigtingin ang mga operasyon kontra ilegal na droga katuwang ang simbahan at pamayanan.
Source: Police Regional Office Cordillera-PIO