Naging matagumpay ang ginanap na Unity Walk, Interfaith Prayer Rally at Peace Covenant Signing sa Covert Court Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), 1st PMFC Camp Dumlao, Bayombong Nueva Vizcaya noong Nobyembre 19, 2021.
Alas singko ng madaling araw ng umpisahan ang unity walk sa pangunguna ni PCol Ranser A Evasco, ang Provincial Director ng NVPPO.
Nakilahok sa aktibidad ang mga tauhan ng Commission on Election (COMELEC), Department of Interior and Local Government (DILG), Bureau of Jail and Penology Management (BJMP), Bureau of Fire and Protection (BFP), Department of Education (DepEd), at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Naroon din ang iba’t ibang sektor ng pamahalaan katulad ng religious groups, academe, mga estudyante, non-government organizations at mga pribadong sector.
Layon nitong hingin ang gabay ng Maykapal at hikayatin ang pagkakaisa para sa maayos at mapayapang 2022 National and Local Elections.
Naging sentro ng programa ang unity walk, sabayang pagdarasal ng iba’t ibang relihiyon at pagpirma ng Pledge of Commitment ng lahat ng dumalo.
Sa mensahe ni PD Evasco, kanyang hiningi ang suporta, tulong at pakikiisa ng mga Novo Vizcayano sa mga kapulisan upang magkaroon ng malinis at mapayapang eleksyon sa buong lalawigan.
#####
???