Davao Oriental – Arestado ang isang babae na miyembro ng Communist Terrorist Group sa isinagawang Manhunt Charlie operation ng PNP sa Sitio Magay, Brgy. Don Martin Marundan, Mati City, Davao Oriental, noong Oktubre 20, 2022.
Kinilala ni PLtCol Ernesto Gregore, Chief of Police ng Mati City Police Station, ang suspek na si alyas “Amihan”, 25, residente ng nasabing lugar na miyembro ng Guerilla Front 20 at tinaguriang Top 8 Most Wanted Person sa provicial level.
Ayon kay PLtCol Gregore, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong murder na inihain ng pinagsamang tauhan ng Mati CPS at 1103rd Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 11 at sa pakikipag-uganayan sa 701st Brigade, 7ID, Philippine Army.
Ang pagkakadakip sa suspek ay resulta ng patuloy na pagsisikap ng Police Regional Office 11 na hulihin ang mga wanted person sa rehiyon onse.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara