Antequera, Bohol – Nagsagawa ang mga tauhan ng Antequera Municipal Police Station (MPS) ng Community Outreach Program sa Villa Aurora Elementary School, Antequera, Bohol noong ika-19 ng Oktubre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Hepe ng Antequera MPS, Police Lieutenant Johnrey Cutin Digao, katuwang ang kanyang mga kasamahan sa istasyon.
Naipaabot ng grupo sa nasa 94 na mag-aaral ng nasabing paaralan ang handog na pagkain para sa mga bata.
Ang nasabing aktibidad ay kabilang sa mga best practices ng istasyon na naglalayong patatagin at palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad.
Bilang pagtalima sa Peace and Security Framework ng PNP ang M+K+K=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran, ang Antequera Police Station ay sinisigurado na hindi sila hihinto sa pagpapaabot ng mga serbisyong puno ng malasakit sa residente na kanilang nasasakupan at maging sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa naturang bayan.