Legazpi City, Albay – Masugid na isinagawa ng mga miyembro ng Aviation Security Unit 5 ang paglilinang sa lupa at sa mga samu’t saring uri ng gulay na kanilang itinanim sa Rural Improvement Club (RIC), Purok 2, Barangay Padang, Legazpi City, Albay nito lamang Oktubre 20, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng AVSEU 5 sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Joanna Zarcilla, OIC AVSEU 5, sa pakikipagtulungan ng Punong Barangay, Harold Bembenuto, AVSEU 5 Advisory Council Member, at mga Barangay Council ng Brgy. Padang.
Ang nasabing aktibidad ay kaugnay ng “Adopt a Gulayan sa Barangay Program” ng yunit na ito, na naglalayong magbigay ng sustainable food sources para mabawasan ang bigat ng kahirapan sa ating mga mahihirap na kababayan at matugunan ang banta ng kagutuman dahil sa kawalan ng hanapbuhay.
Kaya naman tinitiyak ng buong hanay ng kapulisan na patuloy ang kanilang pakikiisa sa mga ganitong gawain upang maipadama ang kanilang pagmamahal at malasakit sa ating mga kababayan upang sa ganon ay makamit natin ang iisang hangarin na magkaroon ng isang maayos at maunlad na pamayanan.