Cagayan de Oro City – Isinagawa ang pre-deployment briefing ng Revitalized Pulis Sa Barangay (RPSB) sa Cagayan de Oro City Police Office Headquarters sa Brgy. 40 Poblacion, Cagayan de Oro City nito lamang Huwebes, Oktubre 20, 2022.
Ang programa ay pinangunahan ni Police Colonel Wilbur Salaguste, Chief, Regional Operation Division ng Police Regional Office 10 katuwang si Police Colonel Aaron Mandia, City Director ng Cagayan de Oro City Police Office at NUP Sheena Lyn Palconite, Team Supervisor ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 10.
Sa nasabing aktibidad ay tinalakay ni Patrolman Edwin Baris, Public Information PNCO ng RPCADU 10 ang KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan at ang peace and security framework na M+K+K=K o ang Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran ng tinalakay naman ni NUP Palconite.
Nagkaroon din ng Barangay Area Study sa mga nasabing Barangay na pupuntahan ng bawat Team ng City Mobile Force Company – Cagayan de Oro City Police Office.
Layunin nito na ipadama sa komunidad na ang Pambansang Pulisya ay handang tumulong at ihatid ang serbisyo lalo na sa mga Geographically Isolated and Disadvantage Areas (GIDAS).
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10