Masinloc, Zambales – Nakiisa ang Masinloc PNP sa Serbisyong Caravan para sa mga residente ng Brgy. Sto. Rosario, Masinloc, Zambales nito lamang Miyerkules, Oktubre 19, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Jonathan Bardaje, Chief of Police ng Masinloc Municipal Police Station kasama si Honorable Arsenia Lim, Mayor ng Masinloc, Zambales, Regional Health Unit, Bureau of Fire Protection ng Masinloc at 3rd Mechanized Infantry Battalion ng Philippine Army.
Umabot sa 183 na pamilya ang nabigyan ng tulong hatid ng Serbisyong Caravan gaya ng libreng police clearance, libreng medical at dental check-up, libreng vitamins, libreng gupit, at feeding program.
Layunin nito na mabigyan ang mga katutubo ng pangunahing serbisyo lalo na sa mga nakatira sa liblib o malalayong lugar.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan at mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad.