Bula, Camarines Sur – Nagsagawa ng Serbisyo Caravan ang mga tauhan ng Camarines Sur 2nd Provincial Mobile Force Company sa Barangay San Agustin, Bula, Camarines Sur nitong Martes, Oktubre 18, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng CSPPO RCSP-CUAO Team sa pamumuno ni Police Lieutenant Jefrey Escolano, Team Leader, CS 2nd PMFC, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Rodel Pescuela, Force Commander.
Nakilahok at sumuporta sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng LGU Bula, San Agustin Barangay Council, DILG, DA, TESDA, Provincial Health Unit, MHU Bula MPS at 49th IB PA.
Nagbigay sila ng impormasyon tungkol sa mga programa at proyektong iniaalok ng iba’t ibang kalahok na ahensya sa pamamagitan ng motivational talk.
Namahagi din ng Livelihood Training Certificates sa mga benepisyaryo ng Hilot Wellness and Beauty Care – Community Based Livelihood Training Scholarship Program ng TESDA at nagsagawa din ng libreng gupit sa mga lumahok na kabataan.
Ang aktibidad na ito ay naaayon sa peace and security framework ng Hepe ng Pambansang Pulisya na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na naglalayong tulungan ang ating mga kababayan.
Source: Camarines Sur 2nd PMFC
Panulat ni Pat Jomar Danao