Ginawaran ng Cheque Fund ang PNP Retooled Community Support Program(RCSP) at DOST Community Empowerment Project na nagmula sa DOST Isabela bilang counterpart ng PNP sa proyekto na ginanap sa 2nd IPMFC Headquarters, Brgy Alinam, Cauayan, Isabela noong Oktubre 17, 2022.
Sa pangunguna ni PLtCol Dennis M Pamor, Force Commander ng Isabela PMFC, naisagawa ang aktibidad na dinaluhan ni Ms. Rowena Guzman ng DOST R2; Mr. Lucio G Calimag ng DOST Isabela; Peter D Noble, Executive Assistant 2 ng LGU San Guillermo; Hon Aurelia G Tomas, Brgy. Chairman ng Burgos, San Guillermo, Isabela kasama ng Brgy. Treasurer at iba pang kagawad.
Ang EO No. 70 NTF-ELCAC Project sa pamamagitan ng PNP Retooled Community Support Program at DOST Community Empowerment ay magkatuwang sa pagsasagawa ng proyekto na may temang “Sustainable and Clean Portable Water for the Indigenous People of Sitio Dilukot, Burgos, San Guillermo Isabela”.
Bilang katuwang sa proyekto, ang DOST Isabela ay buong suporta na nagbigay ng Php600,000 Cheque Fund para sa pagsasagawa ng proyekto.
Layunin ng proyekto na maibigay ang pangangailangan ng komunidad lalo na sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS) na kung saan dito ang pangunahing nangangailangan ng serbisyo.
Sa pamamagitan nito, naipapadama sa kanila ang malasakit at nailalapit ang kalooban ng gobyerno na sila ay hindi nakakalimutan, bagkus inaalala ang kanilang pangangailangan.
Source: 2nd Isabela PMFC
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos