Obando, Bulacan – Tinatayang Php6,420,000 halaga ng marijuana ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng Obando PNP sa Brgy. Hulo, Obando, Bulacan nito lamang Miyerkules, Oktubre 19, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Cesar Pasiwen, Regional Director ng Police Regional Office 3, ang suspek na si Allan Lucero y Gabrillo, 31, residente ng Hilario Street, Brgy. Hulo, Obando, Bulacan.
Ayon kay PBGen Pasiwen, bandang 4:35 ng madaling araw nang naaresto ang suspek ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Obando Municipal Police Station.
Narekober mula sa suspek ang 66 pirasong marijuana bricks na tumitimbang ng 53.5 kilogramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php6,420,000 at dalawang pirasong Php1,000 bill bilang marked money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy pa rin ang ginagawang operasyon ng PNP para tuluyang mahuli ang mga nagbebenta at gumagamit ng ilegal na droga at maging malaya ang ating bansa sa ipinagbabawal na gamot na sumisira sa kinabukasan ng ating mamamayan.
Source: Obando Municipal Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU 3