Eastern Samar – Nagsagawa ang mga tauhan ng Quinapondan Municipal Police Station ng Tree Planting Activity na ginanap sa Brgy. Sto. Niño, Quinapondan, Eastern Samar nito lamang Linggo, Oktubre 16, 2022.
Ito ay pinangunahan ni Police Lieutenant Jose Fortunato L Lumain, Officer-In-Charge ng Quinapondan Municipal Police Station kasama ang mga tauhan nito.
Katuwang ng kapulisan sa naturang aktibidad ang Municipal Environment and Natural Resources Office Staff sa pangunguna ni Engr. Felix John Bianes, tauhan ng Bureau of Fire Protection, mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at iba pang force multipliers.
Ang nasabing aktibidad ay naaayon sa PNP KASIMBAYANAN Mobilization Program at naglalayon din na imulat sa lipunan ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno at tumulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez