Camp Crame, Quezon City — Sumuko sa pulisya ang suspek sa pagpatay sa biteranong Radio Broadcaster na si Percival Mabasa o kilala bilang “Percy Lapid” nito lamang umaga ng Martes, Oktubre 18, 2022 sa press briefing ng PNP at DILG na pinangunahan ni Secretary Benjamin Abalos Jr.
Matatandaang binaril si Percy Lapid bandang alas-8:30 ng gabi ng Oktubre 3, 2022 sa kahabaan ng Aria Street, Brgy. Talon Dos, Las Piñas City.
Iniharap naman ni Secretary Abalos, Jr sa media ang suspek na si Joel Salve Estorial, 39 anyos na residente ng Quezon City na siyang nakuhanan ng CCTV at nakilala ng PNP.
Ayon sa suspek, siya ay sumuko dahil sa takot at sa kanyang sarili matapos ilabas ang kanyang mukha sa mga balita at social media na nagbadya sa kanya upang sumuko.
Dagdag pa nya, nagkakahalagang 550,000 ang ibinayad umano sa kanya ng mastermind na pinadala sa mismong Bank account niya.
Sa kanyang affidavit, kanyang tinuro ang tatlo pang kasabwat kung saan dalawa rito ay magkapatid na kinilala na sina Edmon Adao Dimaculangan, 30; at Israel Dimaculangan, 35 na pawang tubong Brgy. Manuyo Dos, Las Piñas City; at ang isa naman ay si alyas “Orly” o “Orlando.”
Nagbabala naman si Secretay Abalos Jr sa iba pang suspek na sumuko na rin sa himpilan ng pulisya.
Ang pagresponde at mabilis na pagkakakilanlan sa mga suspek ay isa sa patunay na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay tumutugon sa kanyang tungkulin na panatilihin ang kaaayusan at kapayapaan sa bansa.