Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Bugasong Municipal Police Station sa Brgy. Anilawan, Bugasong, Antique nito lamang ika-14 ng Oktubre, 2022.
Ang aktibidad ay pinanguhan ni Police Captain Horizon D Villanueva, Officer-In-Charge ng naturang istasyon at aktibong nilahukan ng Lingkod Bayan Advocacy Support Groups, Force Multipliers, 602nd CDC Antique Reserve Army, at Philippine Coast Guard.
Sa naturang aktibidad ay matagumpay na naisagawa ang gift giving at feeding program sa mga residente kasabay ng tree planting activity na naaayon sa inisyatibo ng Bugasong MPS na Oplan “Busog Lusog”, Oplan “Dagyaw sa Kaluwasan” at Oplan “Green Thumb”.
Ito rin ay alinsunod din sa Peace and Security Framework ng PNP na Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na kung saan ito’y nagpapakita ng pagkakaisa at pagtutulungan ng kapulisan at komunidad at mapanatili ang magandang ugnayan sa bawat mamamayan.