Angeles City, Pampanga – Timbog ng mga operatiba ng Police Regional Office 1 ang Top 6 Provincial Most Wanted Person sa kasong Attempted Rape sa Purok 4B, Brgy. Pampang, Angeles City, Pampanga nito lamang Biyernes, Oktubre 14, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jayson Batuyong, Force Commander ng 2nd Ilocos Norte Provincial Mobile Force Company, ang suspek na si Dennis Canilang y Salazar, 34, walang asawa, at residente ng Brgy. San Simeon, Currimao, Ilocos Norte.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Batuyong, naaresto ang suspek sa kanyang tinutuluyan na bahay ng mga operatiba ng 2nd INPMFC bilang lead unit, Currimao Municipal Police Station, Batac City Police Station, at Nueva Era Municipal Police Station.
Dagdag pa ni Police Lieutenant Colonel Batuyong, nahaharap ang suspek sa kasong Attempted Rape na may kaukulang piyansa na Php200,000.
Ang operasyon ng PRO 1 ay naging matagumpay dahil na din sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad, at para mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Source: 2nd Ilocos Norte Provincial Mobile Force Company
Panulat ni Pat. Viljon Anthony Comilang/RPCADU1