Sumailalim sa pagsasanay ang mga opisyales ng Barangay sa Brgy. Maligaya Tumauini, Isabela noong Oktubre 14, 2022.
Sa pamumuno ni PMaj Charles Cariño, Chief of Police ng Tumauini PS at FInsp Nestor Parallag, Fire Marshall Bureau of Fire Protection ay isinagawa ng PNP at BFP personnel ang pagtuturo.
Dumalo din ang MLGO Officer na si Ms. Maricar Castro bilang pagsuporta sa nasabing aktibidad.
Ibinahagi ng kapulisan ang tamang teknik ng pag-aresto at First Aid naman sa BFP.
Naging aktibo at masayang nagpasalamat ang mga Brgy. Kagawad at Tanod sa natutunan nilang kapaki-pakinabang na kaalaman na siyang magagamit nila sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin sa barangay.
Layunin ng aktibidad ang maturuan ng maayos ang mga katuwang sa barangay para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Source: Tumauini PS
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos