Wednesday, November 27, 2024

Periodic SimEx, isinagawa ng COCPO

Puspusan ang preparasyon ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) para sa paparating na Kapaskuhan at Bagong Taon kung saan laganap ang nakawan at iba pang uri ng kriminalidad. Bahagi ng kanilang paghahanda ay ang Bank Robbery simulation exercise o SimEx.

Isinagawa ang SimEx sa Veterans Bank na matatagpuan sa RN Abejuela Street at Tiano Street, Cagayan de Oro City. Kasama ng COCPO ang mga tauhan ng Police Station 1 sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Sebastian B Chua, COCPO Headquarters personnel, Mobile Police Unit, Police Stations ng 2-10, City Mobile Force Company-SWAT, at ilang tauhan ng media tulad ng DXCC, iFM at Magnum Radio.

Ayon kay Police Colonel Aaron M Mandia, Acting Director ng COCPO, ang simulation exercise ay kaugnay ng Security Preparedness at Rescue Operation para sa mga insidente upang mapaghandaan ang maaaring maging insidente ng nakawan pagdating ng Christmas Season mula Disyembre 2021 hanggang Enero 2022. Ito ay buwanang isasagawa upang maihanda ang buong hanay ng COCPO na maging alerto sa mga kritikal na pagkakataon at trabaho.

Nabanggit din ni Police Colonel Mandi na ito ay naglalayong magpatupad ng joint-command coordination, pagpaplano at pagbibigay tungkulin ng bawa’t isa para sa agarang pagtugon sa pagkakataon ng armadong pagnanakaw, emergency response, emergency evacuation drills, pagsasanay sa safety marshals at pagtugon sa mga pagbabago sa mga antas ng seguridad.

“Sa palagay ko, nagkaroon kami ng matagumpay na Simulation Exercise. Gayunpaman, sa debriefing, mayroon tayong mga napuna na maaari pa nating mapabuti. Ito naman ang layunin ng SimEx, upang makita kung anong mga bahagi ang kailangan pang pagbutihin at isasaalang-alang sa susunod na pagsasagawa ng parehong aktibidad,” dagdag pa ni Police Colonel Mandi.

SOURCE: PMAJ EVAN N VIÑAS, COCPO PIO

#####

Panulat ni: NUP Sheena Lyn M Palconite

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles