South Cotabato – Boluntaryong sumuko ang siyam na miyembro ng Communist Terrorist Group sa mga otoridad sa South Cotabato 2nd Provincial Mobile Force Company Detachment sa Sitio Sto. Niño, Brgy, Centrala, Surallah, South Cotabato noong ika-14 ng Oktubre 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang mga sumuko ay mula sa Guerilla Front (GF) ALIP at Guerilla Front MUSA, Far South Mindanao Regional Committee (FSMRC).
Sumuko ang siyam na Former Rebels (FR) sa tulong ng kanilang dating kasamahan na si alyas “Lotlot” na sumuko noong Hulyo 10, 2022.
Mas lalong napadali din ang kanilang pagsuko dahil sa pagtutulungan ng mga composite team mula sa 2nd South Cotabato Provincial Mobile Force Company, South Cotabato Provincial Intelligence Unit, 1st South Cotabato Provincial Mobile Force Company, Surallah Municipal Police Station, South Cotabato Police Provincial Office, at Regional Intelligence Division 12.
Hangad ng mga FR na magbagong buhay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at itakwil ang nakagawiang maling gawain ng mga komunistang grupo. Kaya ang mga ito ay walang pakundangang sumuko sa ating mga kapulisan.
Agad namang nakatanggap ng tulong ang mga sumuko mula sa programa ng ating gobyerno na ELCAC program.
Alinsunod sa programa ng Pambansang Pulisya na MKK=K sa Kapayapaan Program, hinihikayat nito ang mga natitirang pang miyembro, tagasuporta at mga pinuno ng mga komunistang grupo na magbalik-loob at makiisa sa hangarin at programa ng ating gobyerno tungo sa kaunlaran ng komunidad.
Source: Police Regional Office 12 – Public Information Office
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin