Daet, Camarines Norte – Tinatayang Php578,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang lalaki sa inilunsad na Anti-Illegal Drug Operation ng Camarines Norte PNP at PDEA RO5 sa Purok 2, Barangay Mancruz, Daet, Camarines Norte ngayong araw, Oktubre 13, 2022.
Kinilala ni PCol Antonio C Bilon Jr., Officer-In-Charge ng Camarines Norte PPO, ang suspek na si Ian Deleon y Cadis, 42, residente ng Purok 3, Barangay 4, Daet, Camarines Norte at kabilang sa listahan ng Newly Drug Personality ng probinsya.
Ayon kay PCol Bilon Jr., bandang 1:40 ng madaling araw ng isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na mga operatiba ng Camarines Norte Provincial Intelligence Unit, Daet Municipal Police Station, Regional Drug Enforcement Group, Camarines Norte 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company at PDEA RO5.
Nakumpiska mula sa suspek ang pitong heat-sealed transparent sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 85 gramo na nagkakahalaga ng Php578,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni PBGen Rudolph B Dimas, Regional Director ng PRO5 ang operating teams katuwang ang PDEA RO5 sa matagumpay na operasyon.
Tinitiyak din niya sa publiko na ang PNP ay walang tigil sa pagsisikap na panatilihin ang kaayusan sa komunidad at mapuksa ang paglaganap ng ipinagbabawal na droga sa rehiyon.
Ipinag-utos din ni PBGen Dimas ang pagpapaigting ng mga police visibility at checkpoint sa mga lansangan upang maiwasan ang anumang krimen na maaaring mangyari.
Source: KASUROG Bicol