Pinasinayaan ang isang malawakang Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan Towards National Recovery ng hanay ng mga lokal na ahensiya ng gobyerno at kapulisan sa San Martin, Villanueva, Misamis Oriental noong Nobyembre 17.
Panauhing pandangal sa ginawang programa si Regional Director ng Department of Social Welfare and Development 10 (DSWD 10) na si Ms. Mari-Flor A Dollaga-Libang. Pinangunahan naman ni Police Colonel Raniel M Valones, ang Provincial Director ng Misamis Oriental Police Provincial Office (PPO), ang pag-oorganisa sa nasabing programa, katuwang ang Provincial Community Affairs and Development Unit, sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Estela B Chaves.
Isang daan at limangpung (150) mahihirap na miyembro ng Advocacy Support Groups ng Misamis Oriental PPO ang napiling benepisyaryo ng grupo. Ito ay pamamaraan na rin upang pasalamatan ang walang sawang pagtulong at suporta ng lahat ng Lingkod Bayan Advocacy Support Groups na naorganisa sa probinsya.
150 kitchen kits, 150 sleeping sits, 150 pakete ng relief supplies, at Php450,000 (Php3,000 kada benepisyaryo) cash assistance ang ipinamahagi ng DSWD 10.
Karagdagang ayuda, benepisyo at impormasyon ang syang handog naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Social Security System (SSS), Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), Municipal Social Welfare and Development (MSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Philippine Coast Guard (PCG), Provincial Public Information Office (PIO), Provincial Advisory Council, National Auxiliary Chaplaincy Philippines, Inc. (NACPHIL), isa sa mga accredited Non-Government Organization (NGO) ng Philippine National Police (PNP), at Misamis Oriental PPO Health Service.
Samantala, ang Gingoog City Police Station naman ay naglagay ng booth para sa National Police Clearance, at nagsagawa naman ng isang bloodletting activity ang Northern Mindanao Medical Center Blood Bank.
Ang aktibidad ay nakasunod sa mga alituntunin ng minimum health standard protocol na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions.
Source: PMAJ Estela B Chavez – Chief, PCADU, MisOr PPO
#####
Panulat ni: NUP Sheena Lyn M Palconite