Northern Samar – Boluntaryong nagbalik-loob ang pitong miyembro ng CPP-NPA-NDF sa Joint AFP-PNP Local Peace Engagement Plan sa Brgy. Magsaysay, Lope De Vega, Northern Samar noong Oktubre 13, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edwin M Oloan Jr, Force Commander ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company, ang mga sumuko na sina alyas “Moyco/Anton”, 26, residente ng Brgy. E. Duran, Bobon Northern Samar at isang Vice Squad Leader; alyas “Mars”, 23, residente ng Brgy. Mangcabitas, Jiabong, Samar at isang Political Guide; alyas “Rinz”, 19; alyas “Nonoy”, 22; at alyas “Ana/Ong-gok”, 16, pawang mga residente ng Km-9m Brgy. Happy Valley, San Isidro, Northern Samar; alyas “Boboy”, 60, residente ng Brgy. Macatingog, Oquendo District, Calbayog City, Samar; at alyas “Jason”, 38, anak ni alyas “Boboy’.
Ayon kay PLtCol Oloan, ang mga sumuko ay mga miyembro ng FC-1, FC-2 at Sub-Regional Guerilla Unit (SRGU) ng Sub-Regional Committee (SRC) Emporium Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).
Ayon pa kay PLtCol Oloan, malugod silang tinanggap ng 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company kasama si Colonel Perfecto P Peñaredondo, Commander ng 803rd Brigade; Lieutenant Colonel Manuel B Degay Jr, Commanding Officer ng 43rd Infantry Battalion; Lieutenant Colonel Isidro D Vicente, Commanding Officer ng 3rd Infantry Battalion, Philippine Army.
Kasabay ng kanilang pagsuko ang pag turn-over ng dalawang 5.56 M653 rifle, isang caliber 45 pistol, isang customized shotgun, tatlong caliber .38 revolver, isang bandolier, anim na magazine para sa M16, isang magazine para sa Cal .45, kasama ang mga dokumento at iba’t ibang gamit at materyales na ginagamit ng teroristang grupo.
Ayon sa mga sumuko, pagod, gutom at kahirapan sa bundok ang naging dahilan ng kanilang pagbaba at pagsuko sa ating gobyerno.
Mensahe ni PLtCol Oloan, “Itong maraming pagsuko ng mga miyembro ng CTG ay patunay na sila ay naliwanagan na sa tunay na intensyon ng mapanlinlang na CPP-NPA-NDF Terrorist Group. Ang ating yunit kasama ng iba pang pwersa ng gobyerno ay magpapatuloy sa pinaigting nitong Anti-Insurgency Campaign sa pamamagitan ng Police Operations at Community Engagement para sa isang pangmatagalang kapayapaan at kaayusan.
“Hinihikayat namin ang natitirang mga miyembro ng CTG (Communist Terrorist Group) na bumalik na at tutulungan namin kayong makuha ang mga benepisyong nararapat para sa inyo upang makapagsimulang muli kasama ang inyong mga pamilya”, dagdag pa niya.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez