Sulu – Boluntaryong isinuko ng isang lalaki ang kanyang baril sa Indanan PNP sa Indanan, Sulu nito lamang ika-12 ng Oktubre 2022.
Ayon kay PMaj Edwin Sapa, Chief of Police, Indanan Municipal Police Station, boluntaryong isinuko ng isang lalaki ang isang yunit ng Caliber 38 revolver pistol na may serial number na 1212 na walang brand kay Fatimah S. Tagayan, Barangay Chairwoman ng Brgy. Bud, Taran, Indanan, Sulu.
Itinurn-over naman ng Barangay Chairwoman ang nasabing baril sa Indanan PNP sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant Murphy Ismad, Team Leader.
Ang pagsuko ng baril ay kaugnay sa pinaigting na kampanya kontra loose firearms sa pamamagitan ng Municipal Task Force to End Local Armed Conflict.
Pansamantalang nasa pangangalaga ng Indanan MPS ang nasabing baril bago dalhin sa Sulu Provincial Crime Laboratory Office para sa kaukulang disposisyon.
Hinihikayat ng PNP ang publiko na makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung sinuman ang may baril na walang kaukulang dokumento at nais itong isuko.
Samantala, patuloy na paiigtingin ng Sulu PPO ang kampanya laban sa loose firearms at lahat ng uri ng kriminalidad sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz