Mambajao, Camiguin – Isinagawa ng PNP Regional Anti-Cybercrime Unit 10 ang Coastal Clean-up Drive sa Lagundi, Poblacion, Mambajao, Camiguin nito lamang Huwebes, October 13, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Lemuel Gonda, Officer-In-Charge ng Regional Anti Cybercrime Unit 10, katuwang ang mga tauhan ng Camiguin Police Provincial Office sa pangangasiwa ni Police Major Guillermo Hamot, Chief, Community Affairs and Development Unit.
Nagwalis at nagdampot ng mga basura sa dalampasigan ang naturang grupo.
Layunin nitong hikayatin ang komunidad na makiisa sa mga aktibidad para mapanatili ang kalinisan sa ating kapaligiran tungo sa kaayusan at kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 10