Davao de Oro – Arestado ang isang lalaki sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng tauhan ng Maco PNP sa Brgy. Masara, Maco, Davao De Oro, Oktubre 12, 2022.
Kinilala ni PMaj Madtaib Jalman, Acting Chief of Police ng Maco Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Joel”, 51, residente ng Brgy Panibasan, Maco, Davao De Oro na tinaguriang Most Wanted Person.
Ayon kay PMaj Jalman, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang piyansang inirekomenda at Lascivious Conduct ng Sec. (5)B ng RA 7610 o Anti-Child Abuse Law.
Dagdag pa ni PMaj Jalman, naaresto ang suspek ng pinagsamang tauhan ng Maco MPS kasama ang Maritime 11 at Regional Special Operation Group 11 katuwang ang 1101st Regional Mobile Force Battalion 11 at 2nd Davao De Oro Provincial Mobile Force Company.
Ang pagkakadakip sa suspek ay resulta ng patuloy na pagsisikap ng Police Regional Office 11 na hulihin ang mga wanted person sa rehiyon onse sa tulong na ibinibigay ng mga mamamayan sa kapulisan ay makakamit ang kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara