Camp BGen Rafael T. Crame – Nanumpa ang 150 na bagong miyembro ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) na pinangunahan ni Police Lieutenant General Rhodel O Sermonia, The Deputy Chief PNP for Administration (TDCA) na humalili kay Chief, Philippine National Police, Police General Rodolfo S. Azurin, Jr. ngayong araw ng Biyernes, ika-14 ng Oktubre 2022, sa PNP Grandstand, National Headquarters, Camp BGen Rafael T. Crame, Quezon City.
Dinaluhan ng pamunuan ng PCADG sa pangunguna ni Police Colonel Joseph Patrick G. Allan, Acting Director, at Command Group nito ang naturang panunumpa, gayundin ang mga kamag-anak ng mga bagong recruit upang personal na matunghayan ang nasabing seremonya.
Ang kabuuang 150 na bagong nanumpang miyembro ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay binubuo ng mga kababaihan na sumasalamin sa pagbibigay ng pagpapahalaga sa kakayanan ng kababaihan bilang isang epektibong tagapag-ugnay at tagapamagitan sa pagitan ng pulis at komunidad.
“Let this significant breakthrough in your respective police careers motivate you to deliver competent and quality services for the benefit of our main clientele – the Filipino people and to be the embodiment of “honor”, “accountability” and “integrity” because as public officers, we owe it to them and to our beloved country. So goes the dictum: “We are primarily here to serve, and not to be served,” ani PGen Azurin.
Panulat ni Patrolman Noel S Lopez