Sampaloc, Quezon – Arestado ng Sampaloc PNP ang isang retiradong miyembro ng Philippine Army sa isinagawang Search Warrant operation matapos makuhanan ng iba’t ibang klase ng baril at mga bala na walang kaukulang dokumento sa Brgy. San Isidro, Sampaloc, Quezon nito lamang Huwebes, Oktubre 13, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr, Regional Director ng Police Regional Office 4A, ang suspek na si Luisito Salayo, 76, retiradong miyembro ng Philippine Army, residente ng Brgy. San Isidro, Sampaloc, Quezon.
Ayon kay PBGen Nartatez Jr., bandang 11:30 ng umaga naaresto ang suspek sa kanyang tahanan ng mga tauhan ng Sampaloc Municipal Police Station.
Narekober mula sa suspek ang isang cal. 38 revolver (Smith and Wesson), 230 pirasong bala ng caliber 5.56, 14 pirasong bala ng cal. 38, tatlong pirasong bala ng caliber super 38, pitong magazines ng cal. 5.56 bullets, dalawang magazines ng carbine rifle at isang bandolier.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 or “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013.
Ang operasyon ng Sampaloc PNP sa pagpapanatili ng ligtas, maayos at mapayapang komunidad ay walang kinikilingan at pantay-pantay sa paggalang sa karapatang pantao ng bawat akusado.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin