Cagayan de Oro City – Tinatayang Php680,000 halaga ng shabu ang nasabat sa ikinasang buy-bust operation sa isang High Value Individual (HVI) ng Regional Drug Enforcement Unit 10 at Cagayan de Oro City PNP sa Zone 4, Lower Bulua, Cagayan de Oro City nito lamang Miyerkules, Oktubre 12, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si Gloneber T. Caingin, 40, residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PBGen Coop, bandang 6:50 ng gabi ng naaresto sa nasabing barangay ng mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit 10 at Police Station 7 ng Cagayan de Oro City Police Office.
Nakumpiska mula sa suspek ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 100 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php680,000, isang Oppo cellphone, isang digital weighing scale, dalawang pirasong Php1,000 bill bilang bogus money at isang pirasong Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money.
Si Caingin ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“The continuous operations on anti-illegal drugs manifest the police intensified efforts in eradicating illegal drugs in the region. Isang factor din kung bakit may mga accomplishments tayo ay dahil sa patuloy na suporta na ibinibigay ng komunidad sa kapulisan. Kaya magtulong-tulong tayong lahat and congratulations to the operating unit for a job well done,” pahayag ni PBGen Coop.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10