Camp Crame, Quezon City – Umarangkada ngayong araw ang mas pinaganda at komprehensibong Pulis @ Ur Serbis, Aksyong Mabilis, sa pinakauna nitong airtime sa UNTV sa ilalim ng bago nitong pangalan.
Matatandaang ang Pulis @ Ur Serbis ay dati nang nakaere sa UNTV kada Sabado at nito lamang taon pinalitan ito ng Pulis @ Ur Serbis Reloaded sa ilalim ng bagong airtime mula Lunes hanggang Biyernes.
Ang pinakaunang segment sa ilalim ng bagong pangalan ay pinangunahan ni Police Brigadier General Mario A Reyes, Acting Director ng Directorate for Police Community Relations, bilang isa sa mga host kasama ang regular host ng programa na si Police Brigadier General Roderick Augustus Alba, Chief PIO; Police Brigadier General Jonathan Cabal, EX-O, DPCR; Police Colonel Gemma Vinluan, Chief, CAD, DPCR; at si Police Lieutenant Colonel Roque Merdegia, Legal Officer at Ms. Michelle Gumabao, Ambassadress ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo.
Kabilang sa mga itinampok sa naturang programa ang iba’t ibang success stories ng KASIMBAYANAN; Chief PNP in Action (pagkakumpiska ng isang toneladang shabu); Rektang Konek, Aksyong Mabilis segment sa iba’t ibang isyu sa komunidad; Police patrollers; Malasakit stories abroad (Global PCR); Pulisya pedia; at Police Expose.
Ang Pambansang pulisya ay patuloy sa pagpapatupad sa iba’t ibang programa na makakatulong sa paglaban sa lahat ng uri ng krimen at sa pagpapanatili ng kapayapaan sa buong bansa sa pamamagitan ng KASIMBAYANAN tungo sa kaunlaran.