Panglao, Bohol – Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive ang mga tauhan ng Bohol Maritime Police Station sa Momo Beach, Brgy. Bil-isan, Panglao, Bohol nito lamang ika-10 ng Oktubre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Master Sergeant Ireneo P Manding, sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Lucio DC Vergara Jr., Chief of Police katuwang ang mga miyembro ng KANAMABI (Kapunongan sa Nagkahiusa Nga Mga Mananagat sa Barangay Bil-isan) sa pamumuno ni Mr. Michael G Guadicos, KANAMABI President, Bantay Dagat, AMPA Guard Bil-isan, Christ the Healer Members at SOS Members.
Nakalikom ang mga nasabing kalahok ng 15 sako ng iba’t ibang klase ng basura kagaya ng plastics, styro foams, diaper, cups at bote sa nasabing lugar.
Ito ay alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan” at sa Peace and Security Framework ng kasalukuyang Hepe ng Pambansang Pulisya na si Police General Rodolfo S Azurin Jr, ang MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.
Layunin ng naturang aktibidad na itaas ang kamalayan ng publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura at maging bahagi sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran at ng karagatan para sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolwoman Jenilyn C Consul