Tiaong, Quezon – Tinatayang Php792,784 na halaga ng shabu ang nasabat sa buy-bust operation ng Tiaong PNP sa Sitio Guinting, Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon nito lamang Martes, Oktubre 11, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Ledon Monte, Officer-In-Charge ng Quezon Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina Jayson Gonzales Enriquez, residente ng Purok Masigasig, Brgy. Gulang-Gulang, Tiaong, Quezon at Rick Vito Zuñiega alyas “Rick”, 39, residente ng Esqueta Subd, Brgy. Calumpang, Tayabas, Quezon na parehong nasa drug watchlist.
Ayon kay PCol Monte, bandang 2:30 ng madaling araw naaresto ang naturang suspek sa naturang barangay ng mga operatiba ng Tiaong Municipal Police Station.
Narekober sa dalawang suspek ang tatlong pirasong heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 38.96 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php792,784, dalawang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money at isang color green Toyota Vios na may Plate No. DAH 2026.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Samantala pinuri at pinasalamatan naman ni Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr, Regional Director, Police Regional Office 4A, ang Quezon PPO sa pamumuno ni PCol Monte para sa di matatawarang pagpapatupad at pagpapalawak ng mga mandato kontra ilegal na droga bilang isang alagad ng batas.
Source: Quezon Police Provincial Office-PIO
Police Executive Master Sergean Joe Peter Cabugon/RPCADU 4