Matagumpay na nagtapos noong Oktubre 9, 2022 ang tatlong araw na Community Immersion sa Peñablanca Cagayan ang mga estudyante ng Basic Internal Security Operations Course (BISOC).
Sa loob ng tatlong araw na aktibidad ay nagkaroon ng Information Disseminations tungkol sa mga safety tips upang maiwasan na maging biktima ng krimen at nagkaroon din ng lecture patungkol sa Arresting Techniques.
Samantala, nagsagawa din ng outreach programs sa iba’t ibang barangay ng nabanggit na munisipalidad ang grupo kung saan ay namahagi sila ng mga food packs at school supplies para sa mga mag-aaral.
Pinilahan din ang handog na feeding program para sa mga bata.
Dagdag dito, nakapagtanim din ang mga estudyante ng BISOC ng nasa 30 piraso na guyabano at 10 kalamansi seedlings.
Siniguro ni Police Major Harold P Ocfemia, Officer-In-charge ng Peñablanca Police Station na magpapatuloy ang mga ganitong aktibidad sa kanilang nasasakupan na makakatulong upang mapalapit at magtiwala ang taumbayan sa kapulisan.
Ang pagsasagawa Community Immersion ng mga kapulisan ay nagiging daan upang abutin ang mga malalayong lugar sa lipunan at para mailapit ang serbisyo ng pamahalaan bilang pagtalima sa programa ng PNP na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.
Source: Peñablanca PS
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi