Novaliches, Quezon City — Tinatayang nasa Php136,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa babaeng suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Novaliches Police Station 4 nito lamang Linggo, Oktubre 9, 2022.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen Nicolas D Torre III, ang suspek na si Jenalyn Literal Mallari, alyas “Boss”, 30, residente ng Brgy. Bahay Toro, Quezon City.
Ayon kay PBGen Torre lll, bandang 5:45 ng hapon naaresto si Mallari sa harap ng isang convenience store na matatagpuan sa kahabaan ng Katipunan Ave., Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Novaliches PS 4.
Ayon pa kay PBGen Torre lll, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang Confidential Informant hinggil sa talamak na bentahan ng ilegal na droga sa Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City ng isang alyas “Boss”.
Nakumpiska mula sa suspek ang higit kumulang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php136,000, isang cellular phone, at buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri ni PBGen Torre III ang mga operatiba ng PS 4 dahil sa matagumpay na pagsasagawa ng anti-illegal drug operation na humantong sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakakumpiska ng ipinagbabawal na gamot, aniya, “Asahan po ninyo na patuloy sa operasyon kontra ilegal na droga ang pulisya ng QC upang mailayo ang ating kababayan sa masamang dulot nito.”
Source: PIO QCPD
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos