Taytay, Rizal – Tinatayang Php238,000 halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong suspek sa ikinasang PNP buy-bust operation nito lamang Linggo, Oktubre 9, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr, Regional Director ng Police Regional Office 4A, ang tatlong suspek na sina Dennis Cortez Y Dillera @ “Dennis Acosta”, 38, may asawa, walang trabaho, HVI, residente ng Purok-II Brgy. Calawis, Antipolo City, Rizal; Luz Laguna Y Ogaro alyas “Luzon”, 45, at Andrew Aquino Y Reyta alyas “Dagul”, 37, walang trabaho, HVI; pawang residente ng Francis Ville, Brgy. Mambugan, Antipolo City, Rizal.
Ayon kay PBGen Nartatez Jr, bandang 1:15 ng madaling araw naaresto ang mga suspek sa Dama De Noche St. Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal ng operatiba ng Provincial Intelligence Unit/Philippine Drug Enforcement Unit ng Rizal Police Provincial Office.
Narekober sa mga suspek ang walong pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 35 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php238,000, isang pirasong Php500 bill bilang buy-bust money, apat na pirasong Php100 bill bilang drug money at isang coin purse.
Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article ll ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Rizal PNP ay lalo pang paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga para maiwasan ang buhay na mapapariwara lalo na sa mga kabataan at mapanatili ang ligtas, maayos at mapayapang komunidad.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin