Naga City – Inilunsad ng City Mobile Force Company, Naga City PNP ang Basic Self-Defense at Taekwondo Training para sa mga kabataang mag-aaral ng Queen of Peace Children’s Home and Formation Center sa Barangay Pacol, Naga City nito lamang Oktubre 7, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Corporal Kempher M Briones at Police Corporal Allan Rey S Briones sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Rommel B Labarro, Force Commander.
Nasa mahigit 50 na mag-aaral ng Kinder at Grade 1 mula sa nasabing eskwelahan ang naturuan ng nasabing pagsasanay.
Unang isinagawa ang pagsasanay noong ika-30 ng Setyembre taong kasalukuyan at ipinagpapatuloy ito tuwing Biyernes hanggang sa darating na Abril 2023.
Ang aktibidad na ito ay kaugnay sa programa ni Chief PNP na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na naglalayong maturuan ng disiplina at karunungan ang mga mag-aaral na gamitin ng buong husay ang kanilang katawan at isipan upang ipagtanggol ang sarili laban sa anumang pisikal na karahasan.
Source: CMFC Naga
Panulat ni Pat Jomar Danao