Sultan Kudarat – Arestado ng Sultan Kudarat PNP ang dalawang suspek matapos makumpiskahan ng Php106,800 halaga ng smuggled na sigarilyo sa magkahiwalay na Joint Buy-Bust Operation sa Brgy. Tibpuan at Brgy. Pansod, Lebak, Sultan Kudarat nito lamang ika-9 ng Oktubre 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili L Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang dalawang naarestong suspek na sina Alyas “Darryl” at Alyas “Bensar”, parehong 25 taong gulang at pawang residente ng Brgy. Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat.
Ayon kay PBGen Macaraeg, nahuli ang dalawang suspek sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pinagsanib na tauhan ng Lebak Municipal Police Station, CIDG 12 Sultan Kudarat Provincial Forensic Unit (lead unit), SK Provincial Intelligence Unit, SK Provincial Highway Patrol Team, Regional Intelligence Division 12 Tracker team Delta at CIIS, Bureau of Customs Sub-Port of Dadiangas.
Ayon pa kay PBGen Macaraeg, narekober mula kay Bensar ang ginamit na buy-bust money na Php1,500 at isang box na naglalaman ng 17 rim ng Seven Kings Cigarettes at 13 rims ng Fort Menthol Cigarettes na may tinatayang halaga na Php9,300.
Nakumpiska naman ng mga operatiba kay Darryl ang buy-bust money na Php500 at 76 na rim ng Forth Menthol Cigarette na may tinatayang halaga na Php97,000.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 10863 (The Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at RA 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines).
Alinsunod sa Programa ng Pambansang Pulisya na MKK=K o Malasakit+Kaayusan+Kapayapaan tungo sa Kaunlaran program tinitiyak nitong pipigilan at hahadlangan ang mga pinapasok na ilegal na sigarilyo sa komunidad sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng ating kapulisan, simbahan at pamayanan.
Source: Lebak Municipal Police Station
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin