Baungon, Bukidnon – Arestado ang 59-anyos na lalaki sa kasong Rape sa ikinasang joint operation ng Baungon Municipal Police Station at Provincial Intelligence Unit Tracker Team ng Bukidnon PNP nito lamang Sabado, ika-8 ng Oktubre 2022.
Kinilala ni Police Colonel Reynante Reyes, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang suspek na si Joswe Cabillon Dela Cerna, 59, residente ng Purok 3, Brgy. Pualas, Baungon, Bukidnon.
Ayon kay PCol Reyes, dakong 1:40 ng hapon ng nadakip ang suspek ng pinagsanib pwersa ng Baungon MPS at Provincial Intelligence Unit Tracker Team ng Bukidnon PNP sa Purok 3, Brgy. Pualas, Baungos, Bukidnon sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang kaukulang piyansa.
Ang operasyon ng Bukidnon PNP ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng komunidad upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad at para mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10