Nagsagawa ng limang araw na National Validation at National Police Clearance System (NPCS) Users Training ang Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) sa Police Regional Office 10 (PRO 10) noong November 8-12, 2021 sa Camp 1st Lt Vicente Alagar, Cagayan de Oro City.
Kinatawan ni Police Brigadier General John Guyguyon, Executive Officer, DIDM, si Police Brigadier General Omega Jireh Fidel, Acting Director for Investigation and Detective Management, sa nasabing programa kung saan dinaluhan ito ng lahat ng Chiefs of Police at kanilang mga imbestigador.
Ang nationwide validation ay naglalayong suriin kung tugma ang mga datos ng crime incident database sa indibidwal na blotter books ng lahat ng police stations sa buong rehiyon. Naglalayon rin ito na tingnan ang natitirang indibidwal case folders ng mga kaso na iniimbestigahan pa.
Ayon sa Hepe ng Regional Investigation and Detective Management Division na si Police Lieutenant Colonel Adonis Mutya, ang Police Regional Office 10 ay ang highest revenue earner sa pagbibigay ng police clearance, at dahil dito, isa sa highlight ng programa ang pagbibigay ng dawampu’t walong (28) na yunit ng state-of-the-art computers sa piling istasyon ng pulis sa PRO 10. Kasama na rin dito ang pagsasanay ng mga mga pulis sa paggamit ng nasabing mga karagdagang kagamitan.
Ito ay ilan sa mga hakbang ng PNP DIDM para magkaroon ng sistematiko at komprehensibong pamamaraan sa imbestigasyon dahil ito ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa gawain ng pulisya.