Tayum, Abra – Nagsagawa ng Joint Community Outreach Program ang mga tauhan ng Tayum PNP at AFP sa Sitio Leng-Leng Brgy. Velasco, Tayum, Abra nito lamang Oktubre 8, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Tayum Municipal Police Station sa ilalim ng liderato ni Police Lieutenant Michael Quela, Acting Chief of Police, Tayum Municipal Police Station.
Katuwang din sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Abra 1st Provincial Mobile Force Company ng Abra Police Provincial Office na pinamunuan ni PLtCol Peter Conrad Bangsoy at mga miyembro ng Philippine Army na pinangunahan ni Master Sergeant Edwin Deompoc na nakabase sa Sitio Pitao Barangay Bagalay, Tayum, Abra.
Samantala, tinalakay at nagbigay kaalaman din ang mga Tayum PNP sa mga usaping Anti-Terrorism, Illegal Drugs at Anti-Bastos Law.
Pasasalamat naman ang naging tugon ng mga benepisyaryo sa tulong na hatid ng Tayum PNP at AFP.
Ito ay kaugnay sa programa ng PNP na MKK=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, tungo sa Kaunlaran) at sa paglulunsad ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN Program na naglalayong ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan at gayundin upang makuha ang tiwala, kumpiyansa, suporta at kooperasyon tungo sa mas maunlad na pamayanan.
Source: Tayum Municipal Police Station