Camp BGen Rafael T. Crame – Nagsagawa ng Press Briefing na pinangunahan ng kalihim ng Department of Interior and Local Government na si Atty. Benjamin Abalos, Jr. kasama ang pamunuan ng Philippine National Police, maging ang alkalde ng Maynila na si Mayor Honey Lacuna kaugnay sa pagkakasamsam sa halos isang tonelada or 990.103 Kg ng hinihinalang shabu at sa insidente ng hostage taking kay Senadora Leila De Lima sa loob mismo ng PNP Custodial Center ngayong araw ng Linggo, ika-9 ng Oktubre 2022, sa Kampo Crame, Quezon City.
Unang binalagkas sa pangunguna ng kalihim ang matagumpay na buy-bust sa pamumuno ni Police Brigadier General Narciso D. Domingo, Direktor ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), na nagresulta sa pinakamalaking naitalang dami ng ilegal ng gamot sa loob lamang ng isang operasyon kung saan ito ay nagtala ng 990 kilo at 102 na gramo o halos isang toneladang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng tinatayang Php6.7 Bilyon sa isang pribadong establisyemento sa Tondo, Manila at pagkakaaresto sa nagngangalang Ney Saligumba Atadero aka “Mario” ngayong araw.
Samantala, ayon pa sa kalihim, dahil sa masigasig at tagumpay ng nasabing operasyon ay natunton ng awtoridad ang mga personalidad na natukoy sa mga ebidensyang nakalap sa Tondo na kinabibilangan nina Police Master Sergeant Rodolfo B. Mayo, Jr., na napag-alamang miyembro ng SOU NCR, PDEG, Juden Francisco at pito pang iba na kapwa arestado sa manhunt operation.
Pinuri naman ni Police General Rodolfo S. Azurin, Jr., PNP Chief, ang mga operatiba at nagwikang, “We will not tolerate any wrongdoing under my watch and under the watch of our DILG Secretary”. Kaugnay nito ang pagkakadawit ng isang miyembro ng PNP sa naturang buy-bust.
Dagdag pa ni Sec. Benhur Abalos, “Ito ang team na siguradong tutugis dito… maski tamaan maski sino rito, maski kabaro o hindi, diridiretso… What is important is not the rest; what is important is the conviction… At importante ang internal cleansing of the PNP.”
Tinampok din sa naturang Press Briefing ang hostage taking incident kay Senadora Leila De Lima sa PNP Custodial Center na kinasangkutan ng mga Prisoner Under Police Custody (PUCP) na pawang mga miyembro ng Abu Sayaff Group na sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan at Feliciano Sulayao, Jr kung saan nagtangkang tumakas ng mga ito.
Sugatan ang isang miyembro ng PNP at patay naman ang tatlong PUCPs.
Dahil naman sa mabilis na aksyon ni Police Colonel Mark Pespes, AD, HSS, sa negosasyon ay naiiwas sa bingit ng panganib ang buhay ng senadora.
Saad ni PNP Chief Azurin, gagawaran ng angkop ng pagkilala at parangal ang mga miyembro ng operatiba sa dalawang operasyon dahil sa kanilang ipinakitang kagalingan at dedikasyon sa tungkulin na siyang sinumpaan sa mamamayang Pilipino.