Sibonga, Cebu – Inilunsad ng mga tauhan ng Regional Finance Service Office (RFSO) at Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 7 ang Mangrove Tree Planting at Coastal Clean-up Drive sa Brgy. Bahay, Sibonga, Cebu noong ika-6 ng Oktubre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Meldrid E Patam, Chief RFSO 7, katuwang ang mga miyembro ng RMFB 7, mga pamunuan at residente ng nasabing barangay.
Ayon kay Police Colonel Patam, sa naturang aktibidad ay nakapagtanim ang grupo ng nasa 1000 piraso ng propagules, samantalang sa coastal clean-up ay nakakalap ang grupo ng sako-sako na iba’t ibang mga basura.
Layunin ng naturang aktibidad na imulat ang publiko mula sa mga usaping pangkalikasan at ipabatid ang kahalagahan ng kanilang pakikiisa upang mapigilan at maiwasan ang tuluyang pagkasira ng mga likas yaman na siyang kalimitang pinagkukunan ng pangkabuhayan ng karamihan.
Kung kaya ay patuloy na hinikayat ng mga nakilahok ang publiko na makibahagi sa pagsulong at pagtupad ng mga programa ng pamahalaan upang ang kaayusan, kapayapaan, kaligtasan, at kaunlaran na madalas na hangarin ng mga ito ay tuluyang makamtan.