Batangas City – Nagsagawa ng Feeding Program ang Batangas Maritime PNP sa Brgy. Sta. Clara, Batangas City nito lamang Sabado, Oktubre 8, 2022.
Ang naturang programa ay pinamunuan ni Police Captain Benito Siddayao Jr, Station Chief ng Batangas Maritime Police Station-PNP Maritime Group.
Higit kumulang 60 na bata ang nakatanggap ng food packs na naglalaman ng spaghetti at zest-o juice.
Laking tuwa at pasasalamat naman ng mga magulang at mga kabataan dahil naabutan sila ng tulong ng ating mga kapulisan.
Layunin nito na matulungan ang komunidad sa panahon ng krisis sa ekonomiya na dulot ng pandemya tulad ng pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mga bata.
Source: Batangas Maritime Police Station – PNP Maritime Group
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin