Baler, Aurora – Namigay ng libreng school supplies ang Baler PNP sa mga mag-aaral sa Brgy. Sands, Baler, Aurora nito lamang Huwebes, ika-6 ng Oktubre 2022.
Ang naturang aktibidad ay sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Dennis Balbuena, Chief of Police ng Baler Municipal Police Station.
Tinatayang 20 na mag-aaral ang nakatanggap ng tracing notebook, lapis at nagkaroon din ng feeding program.
Samantala, nagbigay kaalaman ang Baler PNP kaugnay sa karapatan at pang-aabuso sa mga bata.
Layunin ng aktibidad na maimpluwensyahan ang mga mag-aaral na maging “STRONG” o Smart, Talented, Responsible, Obedient, Nice at God Fearing.
Ang Baler PNP ay patuloy na magbibigay ng serbisyo at mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng mga estudyante sa kanilang nasasakupan.
Source: Baler Municipal Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera