Wednesday, February 5, 2025

Php142K halaga ng shabu nakumpiska sa magkahiwalay na buy-bust ng SPD; 6 timbog

Southern Police District — Tinatayang Php142,800 halaga ng shabu ang nasamsam sa anim na drug personalities sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Pasay at Makati City Police Station nito lamang Miyerkues, Oktubre 5, 2022.

Ayon kay Police Colonel Kirby John B Kraft, Acting District Director ng SPD, sa Pasay City, naaresto ang dalawang suspek sa Dan-Dan St., Brgy. 54, Zone 8, bandang 7:15 ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit.

Kinilala ang mga suspek na sina Navarro Dizon y Canonigo alyas “Bar/Barry”, 47; at Lelanie Gomez y Banglid alyas “Joy”, 35, kapwa nakalista sa Drugs Watchlist at Street Level Individuals.

Narekober sa kanila ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 9.50 gramo at may halaga na Php64,600, Php6,000 na boodle money, Php500 buy-bust money at blue pouch na pitaka.

Ayon pa Kay PCol Kraft, sa Makati City naman, dakong 9:00 ng gabi nang mahuli ang apat na suspek sa Malolos St., Brgy Olympia, Makati City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati CPS na sina Ronile Carreon y Mangune alyas “Jr”, 56; Neil y Layderos, 33; Patricia Blance Banez y Alcacia, 45, na isang call center agent; at Jay Elleazer Las Piñas y Dominguez, 36, na isa namang seaman.

Nakumpiska sa kanila ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 11.5 gramo at nagkakahalaga ng Php78,200, Php200 na cash money, Php500 buy-bust money at isang orange coin purse.

Mahaharap ang anim na suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Hinihikayat namin ang publiko na laging makipag-ugnayan sa amin upang tuluyan ng mapuksa ang mga krimen at karahasan lalo na ang ilegal na droga sa lungsod nang sa gayo’y makamtan natin ang isang tahimik, payapa, at progresibong bansa,” ani PCol Kraft.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles