General Santos City – Nakiisa ang mga tauhan ng Police Station 6 ng General Santos City sa isinagawang bloodletting activity ng LGU sa Barangay Bula Session Hall, General Santos City nitong ika-5 ng Oktubre 2022.
Nagbigay din ng 2 kilo ng bigas ang LGU ng Barangay Bula sa unang 40 katao na nag-donate ng kanilang dugo.
Kasama sa mga nag-donate ng dugo ang PSFTP CL 2021-02 “MASINTIBAY” ng Police Regional Office 12 na boluntaryong nakiisa sa nasabing aktibidad.
Ang aktibidad na ito ay isang paraan upang palawigin ang ating tulong at serbisyo para makapagligtas ng mga buhay sa mga kababayan nating nangangailangan.
Panulat ni Patrolman Charnie Atienza Mandia