Sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay ang mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS) ng Ilagan City, Isabela noong Nobyembre 11-12.
Pinangunahan ng Ilagan City Police Station sa pamumuno ni PLtCol Benjamin D Balais, Officer-in-Charge ang naturang aktibidad na dinaluhan ng 126 miyembro ng BPATS na nagmula sa 20 barangay ng Syudad.
Nagbahagi ng kaalaman ang mga tauhan ng 142nd SAC, 14th SAB, PNP-SAF at Bureau of Fire Protection ng Ilagan City.
Layunin ng aktibidad na bigyan ng kakayahan at gamitin ang mga BPATs sa mga Barangay katuwang ng Kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga Barangay ng Lungsod.
Ito ang una mula sa apat na grupo na sasailalim ng kaparehong pagsasanay.
######
Panulat ni: Police Corporal Carla Mae P Canapi
Go! Go! Ilagan City PS. LtCol Benjie Balais palakasin mo din natin ang engagement ng LB Multi-Faith based groups.
Good job PNP and iligan City PS
Maraming salamat po sa ating mga force multipliers tulad ng BPATS. Kayo ang aktibong katuwang ng PNP sa pagbabantay sa kaayusan at katahimikan sa bara-barangay.
Salamat PNP sa patuloy na pagbibigay dagdag kaalaman sa ating mga force multipliers.
Good Job PNP ?✈️?✈️ palakasin pa natin lalo ang lahat ng ating force multipliers at lahat ng advocacy ng PNP.
Tuloy-tuloy lang po ang pagtutulungan.
Good job PNP
Pulis at Komunidad, magtutulungan tungo sa mapayapang pamayanan.
Salamat po PNP!