Misamis Occidental – Isinagawa ang Pre-Deployment Briefing ng Revitalized Pulis Sa Barangay (RPSB) Cadres sa Grandstand ng Camp Major Lucas Naranjo, Lower Lamac, Oroquieta City nito lamang Miyerkules, Oktubre 5, 2022.
Pinangunahan ito ni Police Colonel Anthony Placido, Acting Provincial Director ng Misamis Occidental Police Provincial Office kaagapay si Police Colonel Wilbur Salaguste, Chief, Regional Operation Division na pinangunahan ang Pre-Deployment Briefing ng RPSB Cadres.
Kasabay ng nasabing aktibidad ay tinalakay din ang KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan na pinangasiwaan naman ni Police Lieutenant Colonel Charlie Vete, Officer-In-Charge ng Regional Police Community Affairs and Development 10 at Police Colonel Henry Dampal, Chief, Regional Police Community Affairs and Development Division.
Dinaluhan din ito ng iba’t ibang Chief of Police ng nasabing lungsod at Barangay Chairman ng BDP Target Areas para sa RPSB deployment.
Ang programang ito ay naglalayon na ipakita at ipadama sa komunidad na ang Pambansang Pulisya ay aktibo at handang rumesponde sa anumang oras ng pangangailangan at magkaroon ng magandang relasyon ang kapulisan at pamayanan tungo sa kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 10